Si jayson at Si rehsou



09/25/10

nagovernight kami sa langgam, laguna knila beth.
masaya at ang mga pangyayari doon ay napakadami kaya’t hindi ko na ikwento. HA!
may masama akong nagawa kay gelai aking sinta.
HAHAHA! sapagkat binasa ko lahat nung nasa kalendaryo nya at talagang napakapersonal ng nilagay nya dun at ako naman si pakialamero ayon nasaktan o hindi lang ako nakapaniwala sa aking mga nabasa. narealize ko tuloy hindi lang naman lagi ako lalo na kung meron pa palang iba. ganun talaga ang buhay mabibigla ka na lng sa mga bagay-bagay pero may dahilan kung bakit may mga nangyayari, mangyayari at nangyari sa iyo at sa iba. hindi lang naman tungkol kay g ung nabasa ko kaya move on! at may mas maganda akong nabasa.
nakakamangha at nakakabilib at nakakainspire akong nabasa sa kanyang NOTE. 7 na bagay na dapat gawin nya sa buhay. mangha talaga ako at sarili nyang gawa ung mga rules na un para matamo nya ang gusto nyang matamo nya sa kanyang buhay. bilib ako sa kanya alam nya na meron siyang susundan na palatuntunin para mahanap ang tunay niyang kasiyahan. 10 daw un pero napaigsi nya. kumpara sa 10 alam ko talo ang 7 pero mas onti mas madali nyang masasakatuparan.
WALA akong ganun pero alam ko kailangan ko un at dapat nasa pagiisip ko un.
ano ba gusto ko?
simple lng naman ng gusto ko na mangyari sa buhay ko.
ayon sa pagkakasunod-sunod:
MAGING MASAYA.(masaya sa pamilya, masaya sa kamaganak, masaya sa kaibigan, masaya sa espesyal na babae na makakasama habang buhay.)
MAKATAPOS NG PAGAARAL. (may kaalaman sa nakuhang kurso, may kaalaman sa pangyayari sa buhay, may kaalaman sa sarili)
MAMUHAY NG SIMPLE. (may trabaho, may bahay, may kaibigan, may asawa, may anak at may pananalig sa Panginoon)

napakalawak nyan pero ayan lang ang sa akin at yan ang gusto ko talaga wala na akong ibang hiling pa. alam ko madami pa akong tatrabahuhin para maisakatubparan ko yan pero KAYA ko yan! si REHSOU pa! HAHAHA!

mga dapat trabahuhin:
maisayos ang aking sarili sa pananalita, sa kilos o ugali at sa pagiisip.
maisayos ang kahirapan ng aming buhay sa pamilya sa aspeto ng utang na pera.
maisayos ang bahay na titirahan ng aking pamilya at magiging pamilya. bale dalawang bahay! WHEW! KAYA YAN!
maisayos ang aking mga kaibigang nagbbigay sa akin ng inpirasyon
maisayos ang tamang desisyon para sa tunay na kasiyahan.

wala na talaga akong hihingin na iba sa aking pamilya.
hindi naman ako ung taong maraming pera pero mayaman ako sa kasiyahan.
hindi naman ako ung taong maluho dahil hindi naman ako binibgyan ng luho ng aking pamilya at wala din naman ibibigay kaya ganun at nakasanayan ko na lng pero BUHAY pa rin naman ako kahit wala ako nun.
hindi naman ako ung taong tamad ayaw ko lng talaga gawin.
hindi naman ako ung taong tanga tinatamad lang.
hindi naman talaga ako malalim na tao nakikita ko lang kung ano ang tama sa aking sarili kaya ako nakakaisip ng mga bagay2x na yaon.
hindi naman ako negative na tao para sa akin ang negative ay hindi nageexist sa aking mundo.
hindi naman ako positive na tao nakikita ko lang kung ano tama at sapat.
hindi naman ako walang kwenta may pagpupursigi din ako sa sarili.

si AKO:
PULUBI. hahaha.
lahat ng kailangan ko galing pa sa magulang at kapatid ko.
natural lamang dahil estudyante ako. alam ko yun kaya dapat bumawi ako.
MASAYAHIN. hahaha.
masaya ako lagi. at gusto ko walang hindi masaya. pasasayahin ko kapag hindi masaya. pasasayahin ko lagi ang masaya kong paguugali.
MALIKHAIN. hahaha!
aun lang ang kaya ko. at doon ko binubuhos ang pagmamahal ko at paraan ko para mapakita kung ano ako.
TAMAD. hahaha!
tamad minsan at minsan tamad pa din. hahaha! hindi na mamawala pero at least alam ko na tamad ko.
PALAISIP. hahaha!
palaisip talaga! dami ko naiisip at kahit napakaimposible kala ko posible na ganun pero sino ba naman ako at naisip ko lang un at malayo sa realidad. ganun na talaga at itutuloy ko un dahil hindi pa nawawala sa akin ang utak ko para paganahin kaya kahit masaya, malungkot, nakakatakot, nakakakilig, nakakaabnormal, nakakabaliw ang naiisip ko okay lng basta PALAISIP ako! hindi matatapos ang pagiisip ko hanggang hindi na napapasukan ng oksiheno ang UTAK ko.

naipalawanag ko na siguro ang aking SARILI kaya SALAMAT! 😀 SALAMAT SA PANGINOON, SALAMAT SA PAMILYA KO, SALAMAT SA KAIBIGAN KO (lahat ng nakilala kong kaibigan ang turing sa akin, PP, Trupeyts.) SALAMAT KAY GELAI ❤ AT SALAMAT SA SARILI KO.

ANG PAGMAMAHAL AY MAHAL NA MAHAL AKO AT TAYO. SALAMAT!


Mag-iwan ng puna