Si jayson at Si rehsou


rehsou’s rehsoulutions!

live and die.

live and let other live too don’t let them die.

live happy and make others happy.

live healthy.

live early.

live and don’t leave and live for those who want to live with me too.

live with meaning.

live and ♥!

live with family.

live with friends.

live with an angel ♥.

just live no leaving. 🙂

leavers GLHF!

 

THANKS to GOD for my rehsounable life!

welcome 2011!


dalumat ng pagiwan

naramdaman kong naiwanan ako at yun na yun na yun.
yung tipong hindi mapakali at alalang ala sa taong sasabayan ko.
hinanap ko na sa buong hasmin ngunit hindi ko nakita.
gulong gulo pagiisip ko dahil wala na siya iniwan na niya ako.
hirap tanggapin, parang iniwang basura sa kung saan-saan ang tema.
kung nagpaalam man lang maari kong tanggapin at na uwing uwi na siya.
ganun talaga ang buhay.
hindi mo maaaring mapasaiyo at ikaw lamang lagi ang masusunod.
hindi ganoon ang buhay dapat iniintindi mo ang isa at iinitidihin ka din.
para patas lang. walang malungkot at walang masaya.
pantay lang. balanse kumbaga.
OKAY NA AKO. kailangan nya na din kasing umuwi at ayun ang hindi ko naramdaman at napansin.

sorry. hinintay kita, pro di sapat ang pasenxa ko. nainip ako, kya umalis n ako. jayson, ssabog na puso ko. pangatlong beses na to na umuwi ako ng mangiyak2x. ang hirap huminga, d ko na ata kaya. d ko din lam ssbhn, gusto kong lumuwag pakiramdam ko kht pano. cge po”

maiiwan sa aking palaisipan. hindi ko mawari kung pangkalusugan ba ang nraramdaman o isang napakatinding emosyonal na paglabas ng nararamdaman.

MAHAL KO SI ANGELA MAE MARTINEZ CORTEZ at AYON ANG ALAM KO KAYA’T ALALANG ALALA AKO NAWALA SIYA KAGABI NA HINDI NAGPAALAM NA KASALANAN KO NAMAN KUNG BAKIT SIYA NAINIP.
<3HDR


kung ano ang meron sa kung ano?

bakit ba ako napakamapagisip?
nahihirapan ako. maglalaro sa pagiisip ko na ayaw ko at minsan sabihin kong gusto ko gustong gusto.
pero ang hirraapp! dahil nga sa sinasabi ko lagi sa sarili na two sided ang lahat ng bagay sa mundo.
naiisip ko din kung mali ba o tama ang aking desisyon?
malusog kaya ito dahil pagiisip ko kung itinatanong ko ito?
dami kong tanong! bakit ba kasi?

sa RELASYON ni gelai at rehsou:
hindi ko din alam kung ano meron. ako lang kaya nakakaisip o pati siya?
hindi naman lahat ng ginagawa ko ay panget. pero hindi ko siya nararamdaman.
ayaw niya ipadama? at sabihin?
may mga bagay na gusto kong marinig at maramdaman kaso hindi pa siguro ang panahon.
kelan?
sana nakikinig siya sa mga sinasabi ko dahil epekto ung ng ❤ ko sa kanya.
minamahal ko ng magsalita upang magkaroon ng paguusap ngunit tahimik siya siguro nakikinig lamang.
reaksyon lang okay na ako.
siguro ganun lang talaga siya pag meron. unaware sa pangyayari baka kasi may bitbit na.
MAGHIHINTAY AKO. gustong gusto ko si angela mae ang aking sinta. magiging maayos din ang lahat at ang alam lang namin ay pagkakaintindihan walang SIGURO at ATA.

special note:
siguro mas naguluhan siya ng sinabi kong mali ang panunuyo ko. kaya dapat ligawan ko na siya. ang sabi ni belle ang gulo ko daw baka ang alam ni gelai ay un na un pero d pa pala.


patungkol sa pagiging anghel ni angela 11/20/2010

may anghel na tumabi sa akin at nagalit sa akin. natauhan ako at naging masaya. kalimutan ko na daw ang mga lumipas na hindi nangyari ng may panghihinayang. nasa tabi ko siya lagi. ♥

may anghel sa panaginip ko at tinitigan nya ako ng pagkasaya at may ngiti sa mg labi.

may anghel na palipad-lipad sa aking pagiisip. ♥

ang anghel ay masaya kapag masaya din ang kanyang pinagmamasdan at binabantayang tao. 🙂 kung malungkot man ang kanyang binabantayan gagawa ito ng paraan para maging masaya ulit. ^_^

ang anghel ay may mga pakpak na nilalayong gamitin para sa pglipad. kung bka sakaling magalusan ang isang pakpak at hndi sya mkalipad nandito ako para tulungan sya pero kpag gumaling na kailangan na nya ult lumipad, kung ngkaganun man masaya ako dumating sya sa buhay ko. sna ang anghel ko ay tanaw ko pa dn khit nsa himpapawid siya sabay ng pgpagaspas ng kanyang nagagandahang mga pakpak.

♥MDR


doon sa may riverbanks

nobyembre 17, 2010
violet(nauna ko ng binigay), pink, blue, green, yellow, orange, red.
at naiwan ang bulaklak na hindi nabubulok.
ayan ang mga kulay na pinag guguluan ko ng panahon at pinagsusulatan ng kung ano-anong letra at salita.
ipapakita ko sa kanya at babasahin niya.
dahan-dahan kong nilipat ang mga papel at binasa niya.
wala naman siyang ibang sinabi. loading na ganyan “…”

nagrereport daw. ayun tawa lang siya. at pumasok na ko sa klase.

FOOD ANALYSIS. hindi kami gumawa. eh di alis na at nagdota na.
napatagal ang aming dota. at pagbalik ko sa skul ay nakauwi na siya.
lungkot no? kasalanan ko din naman.

ngayaya si ej kung sama ako sa riverbanks. hindi ko pa alam kung sama ako. 😐

nobyembre 18, 2010
umalis ako ng maaaga. at hintayin ko na lng sana siya.
naiwan na naman ang bulaklak na hindi nabubulok.
nakasalubong ko si ej. aun nasama ako sa hasmin. sayang pamasahe hindi na pala siya punta dun.
balik hasmin. tumawag gamit ang 3 mins. na natira. tapos natira pa 1 min.
nung nkita ko siya may binabasa at nakatali ang buhok na pagkabagay-bagay sa kanya.
tinuloy ko ang plano ko na tawagan siya at ayun pinaring ko na ang kanyang telepono.
papalapit na ako sa kanya at papalapit na din siya sa akin habang nagriring na ang aming telepono.
nasa bulsa nya at umilaw-ilaw. hindi niya pinansin at nakapagsalita na ako na sagutin niya ngunit HINDI niya sinagot.
parang nanlubog ang mundo ko. 😦
ayun at niyaya siya ni beth umalis. at aun hindi ko na alam ang dapat ireact. nagmuka akong ewan. nalungkot ako siyempre.
naisip ko tuloy. “kung sana napansin niya” ngunit wala akong magagawa ayaw niya pansinin. ganun talaga! kaya tahimik ako buong oras na nakatambay kami dun habang hinihintay nila si dean. at ayun. parang ayaw niya ako kausap.
ganun kaya talaga? hindi ko mawari ang nararamdaman ko eh. siguro hindi pa niya ako naiinitindihan hirap magexplain pero sa ganun siya eh pagpatuloy lamang hanggang mapagtanto ko kung ano na ako para sa kanya.
hindi naman sa nahihirapan ako pero para sa aking nasasayang ang mga gusto kong gawin.
kailangan ko siguro sabihin?

ayun nagbiyahe na kami. tahimik ako wala kasi sa mood. at ang mga nangyari sa RIVERBANKS ay tapos na. parang hindi ko na namalayan. parang hindi nangyari. naglakad at walang natirang mga alaala. alaalang maiiwan at maiicompartmentalize ko sa bahagi ni “anghel” sa aking puso’t isip. ayun lang tapos na ang istorya.

😦 😐 🙂


nagugulumihanan :(

Ayan ako sa ngayon at madalas sa madalas laging dumadaan yan sa aking pandama at pagiisip.
NapakaGULO ko talagang tao at aun ang natural kong pagkatao maraming bagay na gumugulo sa pagiisip ko kaya’t kung ano-ano ang nagiging panuntunan ko sa isang bagay.
May Gusto ako at Ayaw. Gusto ko si Angela Mae M. Cortez at doon ako mamumuhay “para sa ngayon” kung maaari lamang ay panghabang buhay na yaon para napakasaya na ng aking buhay.
OO tungkol lang sa kanya itong aking tala.
Naabnormal kasi ako kagabi at hindi tuluyang pinagpapansin ang kanyang mga mensahe tinugunan ko ng nakakawalang ganang mensahe kaya tulo’y hindi napakatagal niyang magreply kaya ayun ‘tinamad na naman ako’ pero bumawi ako at nagpadala ng sangktatutak na teks ngunit hindi siguro sapat iyon para maibalik ko ang kasiyahan nyang nadarama na ako ang may dahilan kaya siguro hindi man lang siya tumugon.
Kasalanan ko. NapakaNEGA ko kasi.
Ngayon tuloy ako ay MALUNGKOT.
Pinasok ko ang isang bagay na dapat kong pagingatan ayaw kong mawala ang isang bagay na GUSTO kong mahalin ng panghabangbuhay. Iingatan ko siya sa paraang alam ko at sa ramdam niyang napakahalaga niya sa akin. MAHALAGA siya.
Kailangan kong kumilos kailangang maging masaya siya.
Aalisin ko na sa aking bokabularyo ang salitang “nagugulumihan” gusto kong huwag maguluhan gusto ko gusto ko siya GUSTONG GUSTO.

<3rehsou


pampainspire :D

In front of the person you love, your heart beats
faster. But in front of the person you like, you get happy.

In front of the person you love winter seems like
spring. But in front of the person you like, winter is just beautiful winter.

If you look into the eyes of the one you love, you
blush. But if you look into the eyes of the one you like, you smile.

In front of the person you love, you can’t say
everything on your mind. But in front of the person you like, you can.

In front of the person you love, you tend to get shy.
But in front of the person you like, you can show your own self.

The person you love comes into your mind every 2 minutes.
You can’t look straight into the eyes of the one you
love. But you can always smile into the eyes of the one you like.

When the one you love is crying, you cry with them.
But when the one you like is crying you end up comforting.

The feeling of love starts from the eye. And the feeling of like starts
from the ear. So if you stop liking a person you used to like, all you
need to do is cover your ears. But if you try to close
your eyes, love turns into a drop of tear and remains in your heart
forever after.

Don’t go for looks’ it can deceive; Don’t go for
wealth – even that fades away. Go for someone who makes you smile co’z only a
smile makes a dark day seem bright.


09/25/10

nagovernight kami sa langgam, laguna knila beth.
masaya at ang mga pangyayari doon ay napakadami kaya’t hindi ko na ikwento. HA!
may masama akong nagawa kay gelai aking sinta.
HAHAHA! sapagkat binasa ko lahat nung nasa kalendaryo nya at talagang napakapersonal ng nilagay nya dun at ako naman si pakialamero ayon nasaktan o hindi lang ako nakapaniwala sa aking mga nabasa. narealize ko tuloy hindi lang naman lagi ako lalo na kung meron pa palang iba. ganun talaga ang buhay mabibigla ka na lng sa mga bagay-bagay pero may dahilan kung bakit may mga nangyayari, mangyayari at nangyari sa iyo at sa iba. hindi lang naman tungkol kay g ung nabasa ko kaya move on! at may mas maganda akong nabasa.
nakakamangha at nakakabilib at nakakainspire akong nabasa sa kanyang NOTE. 7 na bagay na dapat gawin nya sa buhay. mangha talaga ako at sarili nyang gawa ung mga rules na un para matamo nya ang gusto nyang matamo nya sa kanyang buhay. bilib ako sa kanya alam nya na meron siyang susundan na palatuntunin para mahanap ang tunay niyang kasiyahan. 10 daw un pero napaigsi nya. kumpara sa 10 alam ko talo ang 7 pero mas onti mas madali nyang masasakatuparan.
WALA akong ganun pero alam ko kailangan ko un at dapat nasa pagiisip ko un.
ano ba gusto ko?
simple lng naman ng gusto ko na mangyari sa buhay ko.
ayon sa pagkakasunod-sunod:
MAGING MASAYA.(masaya sa pamilya, masaya sa kamaganak, masaya sa kaibigan, masaya sa espesyal na babae na makakasama habang buhay.)
MAKATAPOS NG PAGAARAL. (may kaalaman sa nakuhang kurso, may kaalaman sa pangyayari sa buhay, may kaalaman sa sarili)
MAMUHAY NG SIMPLE. (may trabaho, may bahay, may kaibigan, may asawa, may anak at may pananalig sa Panginoon)

napakalawak nyan pero ayan lang ang sa akin at yan ang gusto ko talaga wala na akong ibang hiling pa. alam ko madami pa akong tatrabahuhin para maisakatubparan ko yan pero KAYA ko yan! si REHSOU pa! HAHAHA!

mga dapat trabahuhin:
maisayos ang aking sarili sa pananalita, sa kilos o ugali at sa pagiisip.
maisayos ang kahirapan ng aming buhay sa pamilya sa aspeto ng utang na pera.
maisayos ang bahay na titirahan ng aking pamilya at magiging pamilya. bale dalawang bahay! WHEW! KAYA YAN!
maisayos ang aking mga kaibigang nagbbigay sa akin ng inpirasyon
maisayos ang tamang desisyon para sa tunay na kasiyahan.

wala na talaga akong hihingin na iba sa aking pamilya.
hindi naman ako ung taong maraming pera pero mayaman ako sa kasiyahan.
hindi naman ako ung taong maluho dahil hindi naman ako binibgyan ng luho ng aking pamilya at wala din naman ibibigay kaya ganun at nakasanayan ko na lng pero BUHAY pa rin naman ako kahit wala ako nun.
hindi naman ako ung taong tamad ayaw ko lng talaga gawin.
hindi naman ako ung taong tanga tinatamad lang.
hindi naman talaga ako malalim na tao nakikita ko lang kung ano ang tama sa aking sarili kaya ako nakakaisip ng mga bagay2x na yaon.
hindi naman ako negative na tao para sa akin ang negative ay hindi nageexist sa aking mundo.
hindi naman ako positive na tao nakikita ko lang kung ano tama at sapat.
hindi naman ako walang kwenta may pagpupursigi din ako sa sarili.

si AKO:
PULUBI. hahaha.
lahat ng kailangan ko galing pa sa magulang at kapatid ko.
natural lamang dahil estudyante ako. alam ko yun kaya dapat bumawi ako.
MASAYAHIN. hahaha.
masaya ako lagi. at gusto ko walang hindi masaya. pasasayahin ko kapag hindi masaya. pasasayahin ko lagi ang masaya kong paguugali.
MALIKHAIN. hahaha!
aun lang ang kaya ko. at doon ko binubuhos ang pagmamahal ko at paraan ko para mapakita kung ano ako.
TAMAD. hahaha!
tamad minsan at minsan tamad pa din. hahaha! hindi na mamawala pero at least alam ko na tamad ko.
PALAISIP. hahaha!
palaisip talaga! dami ko naiisip at kahit napakaimposible kala ko posible na ganun pero sino ba naman ako at naisip ko lang un at malayo sa realidad. ganun na talaga at itutuloy ko un dahil hindi pa nawawala sa akin ang utak ko para paganahin kaya kahit masaya, malungkot, nakakatakot, nakakakilig, nakakaabnormal, nakakabaliw ang naiisip ko okay lng basta PALAISIP ako! hindi matatapos ang pagiisip ko hanggang hindi na napapasukan ng oksiheno ang UTAK ko.

naipalawanag ko na siguro ang aking SARILI kaya SALAMAT! 😀 SALAMAT SA PANGINOON, SALAMAT SA PAMILYA KO, SALAMAT SA KAIBIGAN KO (lahat ng nakilala kong kaibigan ang turing sa akin, PP, Trupeyts.) SALAMAT KAY GELAI ❤ AT SALAMAT SA SARILI KO.

ANG PAGMAMAHAL AY MAHAL NA MAHAL AKO AT TAYO. SALAMAT!


Walang humpay na kasiyahan.

Hindi magkamaliw ang kasiyahang nadarama ng aking sarili araw-araw.
Hindi magkamayaw sa mga taong nakakahalubilo at aking natatanaw.
Hindi nalulungkot kapag may dumadating na bagong problema.
Hindi napapansin ang nalulungkot na iba sa pakiramdam na kasiyasiya.

OO kailangang maging masaya ngunit dapat sapat lamang.
OO dapat magpasiya ka ng iyong kapwa at hindi makalamang.
OO kapag masaya ka iparamdam mo sa iba at hawaan sila
OO bagkus ganoon ginawa ang buhay KO at ng aking kapwa.

Kasama ko si Papa God sa aking tunay na kasiyahan.
Kasama ko ang pamilya para sa aking katiwasayan.
Kasama ko ang mga kaibigan sa wagas na kagalakan.
Isasama ko ang sarili at magiging katuwang sa buhay para sa umaapaw at labis labis na pagmamahalan.

Ang pagiging masaya ay parte lamang ng “Pag-ibig”.
Masaya ako lagi kasi ramdam kong maraming nagmamahal sa akin kaya magmahalan tayong lahat!
Kapag ikaw ay nalulungkot nandito lang ako sasamahan kita magpapakasaya tayo.
At ako si Jayson tawagin mo lang ako agad agad akong lalapit sayo at hindi ako magaatubiling pasiyahin ka.


I AM? AKO?

Ako? buhay nga naman parang batang paslit pag iniwan ng kanyang kamamahal na ina iiyak agad at magwawala.
Parang pagkakaibigan kapag nararamdaman mong may umiiwan na sayo iiyak ka na at pilit mo itong hahabulin?
Pangiiwan bang maituturing kung hindi ka naman kasali dun sa dapat gawin at wala ka dun sa ginagawa nila?
OO hindi nga pangiiwan pero napasama pa dahil sa matatalas na pananalita na hindi napapansin na nakakasakit na.
OO mali ako kasi kumilos at nagsalita ako sa paraan na AKO. Kung maari akong depensahan ang aking sarili eh ang masasabi ko lang eh ang mga lumabas sa bibig ko ay puros biro lang ang pinapahatid hindi para magparinig para tamaan sila. Pero ramdam ko TALO pa rin ako at kahit kelan hindi ako MANANALO.
Bato-bato sa langit ang tamaan huwag magalit?
Dapat ba lahat ng aking sinasabi ay titikman nila at lunukin?
Hanapan ng pagkakamali sa iba para hindi matuloy ang isang bagay na may kakayahan naman sila para gawin?
eh kung may nagawa sila ganon pa rin kaya ang aura na mararamdaman ko? mas okay siguro kung pagentrance namin sinabi na agad na
“hoy wala kameng nagawa huwag nyo na kaming badtripin umuwi na lang kayo kahit wala naman kayo may magagawa kami”
o kaya
“may nagawa kami ang ganda ng sayaw natin kahit wala KAYO dito lahat kami gustong gustong matapos ito.”
o pwede ring
“o nagdota kayo? wow! eh ung sayaw nyo po ba praktisado nyo na? kasi yung sa amin nakapagsimula na kami at tatapusin namin para sa ikagaganda ng ating performance.”
o
“PI kayo! wala kayo may nagawa kaming kakaunti pero kaya namin to at tatapusin namin! at paalala nga pala huwag ka nang magsalita kasi mayabang ka ayaw namin ng biro mo.”

biglaan ang mga pangyayari? sa sobrang bilis hindi mo na alam kung nakakahabol ka pa ba. nasabi na ang nasabi at nagawa na ang nagawa.

at masasabi ko na lng sa sarili ko

“OO wala akong kwenta eh madaldal ako dahil sa sobrang saya ko at gago ako eh kasi puro biro lang ang alam ko at hindi ko namang sinabing makinig kayo at hindi nyo rin sinabing huwag ako magsasalita.”